Pamamahagi ng ‘lockdown ayuda’ sa Laguna, Bataan, sisimulan na ngayong linggo

Sisimulan na ngayong linggo ang pamamahagi ng cash aid sa mga apektado ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Laguna at Bataan.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nasa P700 million ang inilaan ng gobyerno para sa Bataan at P2.7 billion naman para sa Laguna.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Mababatid na ang dalawang probinsya ay parehong nasa ilalim ng ECQ hanggang sa Aug. 20.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Samantala, sa Metro Manila naman na nasa ilalim rin ng ECQ mula noong Aug. 6 hanggang 20, ay nasa 29.31% nang nakokompleto ang cash aid distribution o P3.2 billion sa 3.2 million beneficiaries, mula sa P11.2 billion na total funds na inilaang ayuda para sa National Capital Region. // MHEL PACIA-TRINIDAD