Pamamahagi ng cash aid para sa ECQ-hit Metro Manila residents, maantala

Inihayag ni Quezon city Mayor Joy Belmonte na ang pamamahagi ng cash assistance sa mga residente ng Metro Manila na magiging apektado ng nalalapit na lockdown ay maaring maantala.

Ayon kay Belmonte, batay sa pulong ng mga alkalde sa DILG, sinabing wala pang eksaktong petsa kung kailan makakarating sa 10.7 million residents ng capital region ang naturang ayudad.

Read More:  OSG seeks dismissal of Marcos drug test petition

Kaugnay nito, umapela ang alkalde sa private sector na makipag-coordinate sa mga local government units para mag-pledge ng financial assistance o mag-donate ang goods.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Mababatid na ang Metro Manila ay isasailalim sa strictest enhanced community quarantine mula Aug. 6 hanggang 20, kung saan mapipilitan ang milyon-milyong residente na muling manatili sa kanilang bahay, maliban sa essential trips sa labas.

Dahil dito, magbibigay ang national government ng cash aid na P1,000 — o maximum na P4,000 per household. // MHEL PACIA-TRINIDAD