Nadiskubre ng mga mananaliksik mula sa University of the Philippines-Los Baños na ang bacteria mula sa lupa sa Mt. Mayon sa Albay ay mayroong health benefits.
Ayon sa Department of Science and Technology, ang bacterial species na tinukoy bilang Streptomyces sp. A1-08 ay maaring mayroong potential antibiotic at anti-colorectal cancer effects.
Kaugnay nito, kinukumpirma pa ng mga researchers kung ito ay bagong new species.
Pagbabahagi ng ahensya, unang sinuri ng research team ang 30 bacterial species mula sa lupa ng Mt. Mayon, kung saan 13 ang nagpakita ng iba’t-ibang antibiotic properties laban sa organisms na nagdudulot ng sakit sa mga tao at hayop.
Pero ang Streptomyces sp. A1-08 ang naiba dahil ito ay nagpakita ng antagonistic effects sa lahat ng test ng microorganisms at ng methicillin-resistant Staphylococcus aureus o MRSA. // MHEL PACIA-TRINIDAD
