Pamamahagi ng agricultural machinery sa R-12, nagpapatuloy

MAS pinagtitibay pa ngayon ng Department of Agriculture o DA-12 ang pagbibigay ng mga agricultural machinery para sa mga corn farmers maliban sa pamamahagi ng mga seed at fertilizers.

Ayon kay Regional Technical Director for Operations John Pascual na patuloy ang kanilang pamamahagi ng mga hauling trucks, tractors, corn mills, at corn shellers, gayundin ang pagpapatayo ng mga corn processing center.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Dagdag ni Pascual na ang paggamit ng mga makinaryang ito at iba pa na mga pasilidad ay ang malaking mandato upang mabawasan ang postharvest losses, na may malaking impact para sa mga magsasaka.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ipinaliwanag nito na ang pagbabawas ng losses, mas masiguro ng mga magsasaka ang malaking harvest at madagdagan ang kanilang income.