PAMALAKAYA, may hamon sa bagong Agriculture Secretary

Hinamon ng grupo ng mga mangingisda na PAMALAKAYA ang bagong kalihim ng Department of Agriculture na si Sec. Kiko Tiu Laurel na magkaroon ng mga reporma sa sektor ng pangingisda.

Sa isang pahayag, sinabi ng grupo na dapat nang ihinto ang importation ng mga agriculture at fisheries products.

Read More:  DOH closely monitoring Ebola virus situation

Idiniin ng grupo na malaking insulto sa Pilipinas na isang archipelagic country ang pagi-import ng Pilipinas mula sa China at sa Taiwan, gayong milyun-milyong mga Pilipino ang nasa sektor ng pangingisda.

Sabi ng PAMALAKAYA, imbis na puro import ay dapat na tutukan na muna ang lokal na agri-sector.

Para naman sa grupong SINAG, umaasa raw sila ng ‘firm commitment’ mula kay Laurel na ire-reject nito ang ano mang proposal para bawasan ang taripa sa lahat ng mga agricultural commodities.

Read More:  Sen. Bato still not allowed virtual Senate attendance

Sinabi pa ng SINAG na walang magagawa ang mga qualifications kung hindi naman ito magiging epektibo.

Inihalimbawa ng grupo ang mga nagdaang Agriculture secretaries na kahit na may mga PhDs na raw, at mayroon pang nagpakilalang magsasaka, ay nabigo pa rin sa trabaho.