Negosyanteng si Francisco Tiu Laurel Jr., itinalagang Kalihim ng Department of Agriculture

Matapos ang halos dalawang taong pagiging Agriculture Secretary ni Pangulong Bongbong Marcos, opisyal na itong nagtalaga ng full-fledged na kalihim ng Kagawaran.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, inanunsiyo ng Pangulo ang appointment sa fishing tycoon na si Francisco ‘Kiko’ Tiu Laurel Jr.

Read More:  Marcos urges Filipinos to protect democracy on Ninoy Aquino Day

Sabi ni Marco, inatasan niya si Laurel na pababain ang presyo ng mga agricultural commodities; pati na rin ang pagbangon mula sa mga epekto ng avian at swine flu.

Nangako naman si Laurel na palaging bukas ang kaniyang tanggapan para sa mga local agri-folks, at tiniyak na mayroong mga programa para mapalakas ang local food production.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Idiniin din ni Laurel ang kahalagahan ng agri-modernization, na siya umanong susi para matiyak ang sapat na suplay ng pagkain para sa bawat Pilipino.

Kung maaalala, si Laurel ang president ng isang seafood production company na Frabelle Fishing Corporation.

Siya rin ay isa sa mga top compaign contributors ng Pangulo noong 2022 presidential elections.