Resulta ng CSC Pen and Paper Test noong Agosto 20, 2023, inilabas na ngayong araw

INILABAS na ng Philippine Civil Service Commission ang resulta ng isinagawang CSC Pen and Paper Test noong Agosto 20, 2023.

Base sa naitala ng komisyon, umabot sa 345,293 examinees ang kumuha ng Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) Professional at Subprofessional levels.

Read More:  Political analyst says Baste Duterte could be ‘Plan B’ for 2028

92.41% ng kabuuang 373,638 na indibidwal lamang ang mga pumunta para sa mga naturang pagsusulit sa mahigit 95 testing centers sa buong bansa 304,247 examinees dito ay para sa  CSE-Professional Level, at 41,046 examinees naman ang para sa  Subprofessional Level.

Read More:  Vhong Navarro to pursue legal remedies over possible release of Deniece Cornejo, Cedric Lee

Pwedeng ma-access ang nasabing resulta ng naturang eksaminasyon sa opisyal na link na inilabas ng komisyon sa kanilang Facebook page kaninang umaga. ### KENNETH BERMIL