SENSITIBONG BALITA: Iginapos at paulit-ulit na ginahasa ng driver at konduktor ng isang pampasaherong van mula sa Maynila ang isang 19-anyos na pasaherong babae na bumyahe papuntang Surigao Del Sur.
Kwento ng biktima, naiwan siya mag isa nang magbababaan sa Carrascal, Surigao Del Sur ang ibang mga pasahero.
Alas tres ng madaling araw nang tumigil umano ang mga ito sa harap ng isang convenience store para maghintay ng pasahero ngunit pagbalik ng driver at konduktor ay may dala na ang mga ito na alak.
Matapos mag inuman ay dito na iginapos ang biktima at paulit ulit na ginahasa.
Tinakot pa umano ng mga suspek ang biktima na papatayin ito kapag nagsumbong sa pulisya.
Agad namang humingi ng tulong ang biktima na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek na mahaharap sa kasong rape.