Kinunmpirma ni National Treasurer Rosalia de Leon na nanguntang ngayong araw ang Gobyerno ng Pilipinas ng kabuoang 2 Billion US Dollars sa pamamagitan ng isang dollar-denominated bond sale na mayroong tatlong bahagi.
Ang agresibong borrowing na ito ang kauna-unahang offshore debt na inisyu ng Marcos administration.
Katumbas ito ng mahigit PhP117.3Billion sa kasalukuyang palitan ng Piso kontra Dolyar.
Ayon kay de Leon, nilalaman ito ng tatlong tranche kabilang na ang $500 million na mayroong 5.17% o limang taong US Treasury (bonds) at 120 basis points; $750 million na mayroong 5.6% o sampung taon at kalahating US Treasury (bonds) at 185 basis points; at karagdagang $750 million na may 6.1% at 25-year Environmental, social, and governance, ‘o ‘yung ESG (green bonds).
Bahagya naman itong mababa ng $2.25 billion mula sa utang noon Marso, pero mas mataas naman ang interes sa ngayon.
‘The success of this transaction is an indication of the Philippines’ readiness to brave choppy waters in pursuit of excellent results’ ani de Leon.
Matatandaaang $500 million ang inutang ng Duterte administration na mayrong five-year bonds at 3.229 percent.
Nagkaroon din ng ‘borrowing-spree’ sa nakaraang Gobyerno para mapunan ang pangangailangan sa pandemic response.
Ayon kay Finance Secretary Ben Diokno, ipinakikita nito ang tiwala ng mga investor sa bagong administrasyon.
Partikular dito ang kumpyansa ng mga mamumuhunan sa anim na taong economic transformation ng Pamahalaan.
‘The strong demand for our first international bond offering under Marcos’ administration demonstrates investor confidence in the new government and the administration’s six-year plan of economic transformation.’ ani Diokno.
Makatutulong umano ito para makamit ang eight-point agenda ng Gobyerno, pati na rin ang pagpapataas ng GDP, at maprotektahan ang purchasing power.
‘The eight-point agenda of the new administration will improve real GDP growth, improve government finances, protect purchasing power, mitigate socioeconomic scarring and create more quality jobs’ dagdag pa ng Finance Secretary.
Matatandaaang nitong Agosto ng sumipa sa P13.02Trillion ang pambansang utang ng Pilipinas.
#
RELATED STORIES:
Utang ng bansa, lumobo na sa P12.79 Trillion

