Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, sumipa sa 2.68M

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, umakyat sa 5.3% ang unemployment rate sa bansa, o katumbas ng 2.68 na milyong mga Pilipino nitong Agosto.

Mas mataas ito sa 5.2% unemployment rate o katumbas ng 2.6 million jobless Filipinos noong Hulyo.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Sa kabila niyan, mas mababa ito sa 8.1% na naitala sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Umakyat din ang underemployment, ‘o ‘yung mga empelyadong mas gusto ng better-paying jobs o mas maraming working hours sa 14.7% o katumbas ng mahigit pitong milyong Pilipino.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Tumaas naman ang bilang ng mga may trabaho o negosyo nitong Agosto na naitala sa 47.87 million.

Mas mataas ito ng 478,000 kaysa sa naitala noong Hulyo 2022 na nasa 47.39 million, at higit na mas mataas kumpara sa bilang noong Agosto 2021 na nasa 44.23 million.
#