3, arestado sa drug buy-bust operation sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Arestado ang tatlong mga indibidwal sa ikinasang drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay sa Purok 3, Brgy. San Roque, Legazpi City.

Kumagat sa pain ang isa sa mga suspek na si Emilio Crisol y Atento, 57 anyos, residente ng nabanggit na lugar at umano’y drug den maintainer, matapos nitong pagbentahan ang poseur buyer ng pinaniniwalaang shabu.

Nang magkaabutan na ng drug items, dito na hinuli ang dalawa pang bisita sa sina Francisco Abordo, Jr. Y RaƱosa, 51 anyos, residente ng kaparehong barangay, Bernie Sinaon y Ornales, 31 anyos, perya pahinante, at residente ng Brgy. San Esteban, Nabua, Camarines Sur.

Narekober sa kanila ang 19 pirasong sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalagang mahigit P100,000 at iba pang drug paraphernalia.

Hawak na ang mga ito ng PDEA Albay pati na rin ang mga narekober na ebidensya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *