Palasyo, tumangging mag kumento sa napaulat na pagkukumpol-kumpol ng mga sasakyang pandagat ng China sa WPS

Tumangging magbigay ng kumento ang Malacañang sa napaulat na pagkukumpol-kumpol ng mga sasakyang pandagat ng China sa West Philippine Sea.

Sa isang briefing ng Palasyo, hindi tumugon si Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil at ng bagong Malacañang press briefer na si Daphne Oseña-Paez sa mga tanong ng mga mamamahayag sa isyu.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Una nang inihayag ng US Department of State ang suporta nito sa panawagan ng bansa na sumunod ang China sa international law kasunod ng naiulat na presensya ng fishing vessels nito sa West Philippine Sea.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines noong Dec. 15 na namataan ng militar ang mga barko sa Iroquois Reef at Sabina Shoal, na saklaw ng Philippines’ exclusive economic zone.//CA