DOH nagkapagtala ng karadagang 121 na kaso ng omicron subvariants

Nakapagtala ang Pilipinas ng karagdagang 121 na kaso ng highly transmissible omicron COVID-19 variant,  ayon sa Department of Health.

Sa 133 na samples na sinuri ng University of the Philippines- Philippine Genome Center, 23 ang inuri bilang BA.2.3.20, isa bilang BF.7, 28 bilang XBB, 45 bilang XBC, at 24 bilang iba pang mga subvariants ng omicron.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ang mga karagdagang kaso ng BA.2.3.20 ay binubuo ng mga lokal na kaso mula sa Regions 1, 2, 3, 7, 11, at Metro Manila.

Ang  resulta ng sequencing run ay isinagawa noong December 14-15.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ang karagdagang kaso ng BF.7 ay nagmula sa National Capital Region, habang ang lahat ng karagdagang XBC cases ay mula sa Region 11. Samantala, ang mga karagdagang kaso ng XBB ay nagmula sa Regions 7, 11, at NCR.

Sa ngayon, ang BA.5 pa rin ang dominant strain sa Pilipinas, na may 12,565 na kaso, ayon sa DOH.