Palasyo, tiniyak ang repatriation para sa mga Pilipino sa Ukraine na gustong umuwi

Tiniyak ng Palasyo na handa ang gobyerno na tulungan ang mga Pilipino na makaalis sa Ukraine sa gitna ng nagpapatuloy na pananakop ng Russia doon.

Sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na nangunguna sa isipan ng Pangulo ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Ukraine.

Read More:  ATOM seeks deeper probe into alleged special treatment of Romualdez

Ipinunto niya na sa tulong ng Department of Foreign Affairs ay umuusad na ang repatriation efforts para sa mga Pilipino na nasa Ukraine.

Umapela naman ang DFA sa mga Pilipino sa Ukraine na huwang mag-panic, at tiniyak sa kanila na lahat sila ay matutulungan at maidadala sa mga ligtas na lugar.

Read More:  Senate court imposes sub judice ban on all VP Sara impeachment articles

Una nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na pumayag ang Poland na payagan ang mga Pilipino na palabas ng Ukraine na makapasok sa kanilang bansa kahit walang visas.