Plano ng gobyerno na magsagawa ng fourth wave ng “Bayanihan, Bakunahan” national vaccination drive sa Marso.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na uunahin ng gobyerno sa ikaapat na National Vaccination Day ang inokulasyon ng mga senior citizens at ng pediatric age group na 5-17.
Iginiit ng kalihim na paiigtingin nila ang efforts para sa inokulasyon ng primary series para sa mga hindi pa nababakunahan, at booster shots sa mga nakakumpleto na ng 3-6 month requirement.
Mababatid na na tinatayang nasa 3.5 million na indibidwal ang nabakunahan kontra COVID-19 sa pagtatapos ng naturang inisyatibo.
Samantala, inihayag rin ni Duque sa isang panayam na nagpaplano na rin ang gobyerno ng pagbibigay ng incentives sa mga residente na magpapabakuna kontra COVID-19 sa Bangsamoro Region at iba pang mga lugar.
Gayunman, pinag-uusapan pa kung pero o in-kind ang ibibigay na ayuda sa mga residente.
