Palasyo, nilinaw na walang kinalaman si ESRodriguez sa pag-iisyu ng ‘unauthorized resolution’ sa sugar importation

Nilinaw ng Palasyo na walang kinalaman si Executive Secretary Vic Rodriguez sa pag-iisyu ng ‘unauthorized resolution‘ sa sugar importation.

Sa isang pahayag sinabi ni Press Secretary Atty. Trixie Cruz Angles na hindi si Sec. Rodriguez ang nag-utos sa pag-convene ng Sugar Regulatory Board.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Sa katunayan aniya, si Sec. Rodriguez mismo ang nagpaabot ng balita kay Pangulong Bongbong Marcos nang malaman na nag-convene at nag-isyu ng illegal resolution.

Samantala, inihayag din ni Atty. Angles na wala pa siyang impormasyon kung in-accept o tinanggap ba ni Pangulong Marcos ang resignation ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Aniya, dahil late na rin nila natanggap kahapon ang resignation letter, wala pa silang impormasyon ngayon kung tinanggap ba ito ng Pangulo.

Ang mahalaga aniya sa liham ni Sebastian ay naroroon ang pag-act niya sa pag-convene ng Sugar Regulatory Board at iyong paglalabas ng resolusyon.
#