Isa patay matapos sumalpok ang isang sasakyan sa nakaparadang trailer truck sa Tondo, Maynila

Patay ang isang indibidwal matapos sumalpok ang sinasakyan niyang Mitsubishi xpander sa nakaparadang trailer truck sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District, naganap ang insidente alas 8:30 kaninang umaga.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Binabagtas ng biktima ang northbound ng lugar at ng marating ang ang kanto ng Moriones st. , sumalpok ang kanyang sasakyan sa likurang bahagi ng trailer truck na pansamantalang nakaparada sa kalsada.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng malubhang pinsala ang hindi pa nakikilalang driver na agad niyang ikinamatay.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.