Palasyo: Hintayin ang Oct 8, Nov 15 para sa mga duda sa pagreretiro ni Duterte

Walang ibinigay na katiyakan ang Malacañang para sa mga may duda sa anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ito ay magreretiro na mula sa pulitika.

Ang tugon ni Presidential spokesman Harry Roque ay kasunod sa mga tanong na kung totoo ba ang pangulo sa kanyang pahayag, matapos na sabihin rin nito noong 2015 na magreretiro na sa pulitika at hindi tatakbo pagkapangulo, pero hindi naman nangyari.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Ayon kay Roque, mas mabuting hintayin nalang ang October 8 (ang huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy) at kung hindi pa kontento, ay mag-abang umano ng hanggang November 15 (ang deadline naman para sa substitution).

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Matatandaan na noong 2015, pinalitan nang nooy Davao City Mayor Duterte si Martin Diño bilang standard bearer ng PDP-Laban para sa 2016 presidential race. //MHEL PACIA-TRINIDAD