Dinipensahan ng Palasyo ang desisyon ng administrasyon na tumutok sa kontrobersyal na war on drugs sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos sabihin ng mga kritiko na nagkulang sa substance ang SONA ng Punong Ehekutibo dahil imbis na marinig ang plano ng gobyerno sa naging epekto ng COVID-19 sa ekonomiya, ay mas tumutok ito sa drug war.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi na nila inasahang pupurihin ng oposisyon ang SONA.
Binigyang diin naman ni Roque na natalakay na ang ilan sa mga programa ng gobyerno sa pre-SONA briefings kung saan ay kasama sa mga topics na nabanggit ay ang economic measures at efforts na magpapabilis sa vaccination program.
Ipinaliwanag rin ni Roque na walang mali sa pagbanggit ng Pangulo sa war on drugs, dahil kabilang ito sa kaniyang ipinangako sa taong bayan.