Cash incentives at rewards na naghihintay para kay Hidilyn Diaz, patuloy na nadadagdagan

Patuloy na nadaragdagan ang cash rewards at incentives na naghihintay para sa Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz matapos ang kaniyang makasaysayang pagkapanalo sa weightlifting event ng Tokyo Olympics.

Kabilang na rito ang P10-million na minamandato ng batas, P5-million mula sa negosyanteng si Dennis Uy, P3-million mula kay Deputy Speaker Mikee Romero, P10-million mula sa tycoon na si Manny V. Pangilinan, P10-million mula sa negosyanteng si Ramon Ang, at P2.5-million mula sa Zamboanga City, na hometown ni Hidilyn.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Makakatanggap rin si Hidilyn ng P18-million na halaga ng house and lot at condo unit, na magkahiwalay na ipinangako ng dalawang real estate companies

Bukod diyan ay nangako ang isang airline company na bibigyan nito si Hidilyn ng lifetime free flights.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Tinapatan naman ng Philippine Airlines ang alok ng nasabing kompanya, kung saan ay handa itong magbigay ng 80k free miles kay Diaz kada buwan, na pang-lifetime rin.

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, katumbas ito ng limang roundtrip domestic flights o dalawang roundtrip regional flights, o isang roundtrip international flight.

Mabibiyayaan rin si Hidilyn ng isang bagong 13-seater TransVan mula sa isang manufacturer ng sasakyan.