Pagtulong sa taong nakararanas ng depresyon hindi dapat na natatapos sa counselling

SORSOGON CITY – Binigyang-diin ni Joseph de Leon Advincula, isang mental health advocate at pangunahing may akda ng KAUSAP program na hindi lamang dapat na natatapos sa counselling ang pagtulong sa isang taong nakararanas ng depresyon.

Ayon dito, dapat na ang nasabing inisyatiba at suporta  ay magtuloy-tuloy upang matiyak na ang biktima ay talagang tuluyan ng makakaalpas sa nasabing sitwasyon.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

 Aniya, mananatili kasi ang depresyon kung ang bagay o problema na mismong nagdudulot nito sa isang indibidwal ay hindi naman nasosolusyunan.

Pagbibigay halimbawa ng opisyal, kung ang nagdudulot ng depresyon sa isang tao ay ang kawalan ng trabaho kailangan umanong masamahan o maimbitahan ito sa mga livelihood training program upang mapunuan ang kaniyang pangunahing pinoproblema.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

 Ito umano ang dahilan kung bakit lubhang napakahalaga ng suporta ng mga ahensya ng pamahalaan gayundin ng lipunang kanyang ginagalawan.