Pagtayo ng DTI bilang regulatory body, tila naging sanhi umano ng pagtaas ng kaso ng vape, e-cigarette use sa mga kabataan – senadora

Winelcome ni Senadora Pia Cayetano ang naging desisyon ng Korte Suprema na gawing regulatory body para sa mga tobacco products ang Food and Drug Administration (FDA).

Kasunod ito sa naging pagtanggi ng Korte sa inihaing motion for reconsideration ng Philippine Tobacco Institute, Inc., (PTI) at ni Representative Edcel Lagman.

Sa naging pagbabalik-tanaw ni Cayetano sa naging pagpasa ng Vape Law o pagbibigay ng regulatory authority sa Department of Trade and Industry (DTI), sinabi niyang marahil isa ito sa mga rason sa likod ng lalong pagtaas ng kaso ng mga kabataan na gumagamit ng vape at e-cigarettes.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Maliban pa roon, ipinunto niyang posibleng ito rin ang dahilan kung bakit nakatanggap ang Pilipinas ng Dirty Ashtray Award nitong nakaraang Pebrero.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Kasunod nito, tiniyak niyang patuloy lang nilang tatalakayin ang tungkol dito sa kanilang pagdinig sa Blue Ribbon Comittee kung saan siya tumatayo bilang chairperson.

Maalala, si Cayetano ang nag-sponsor at dumepensa as FDA Law na nagsasaad na ang FDA ang dapat na magmonitor at magregulate sa mga produktong may kinalaman o makakaapekto sa kalusugan ng mga Pilipino.