Pagtatapos ng SY 2024-2025 sa Marso – inirekumenda ng DepEd

Dahil sa umano’y ‘clamor’ ng mga panawagan sa panunumbalik ng lumang school calendar – inirekumenda ng Department of Educaiton (DepEd) ang tinatawag nilang ‘agresibong’ hakbang para maplantsa ito.

Sa pagdinig sa Senado – sinabi ni DepEd spokesperson Francis Bringas na ni-recommend nila agn agarang revision sa April-May schoolbreak.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Sa liham na ipinadala na nila sa Office of the President, hinihiling nilang tapusin na ang school year 2024-2025 sa March 2025.

Umapela naman sila sa Senate Committee on Education na bigyan pa nila ng sapat ng panahon ang Pangulo para aralin ang kanilang rekumendasyon.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Sa kabuoan – mayroon umanong 7,000 na mga public schools ang nag-suspend na ng in-person classes dahil sa matinding init.

Tinatayang aabot sa 7M learners ang apektado rito.