Pagtatanim ng puno bago pagayan ikasal, umiiral sa Lal-lo, Cagayan

Ino-obliga na ngayon sa Lal-lo, Cagayan ang pagtatanim ng puno ng magkasintahan bago payagang ikasal alinsunod sa Love Tree Ordinance na iniakda ni Vice Mayor Maria Olivia Pascual.

Nakapaloob sa nasabing ordinansa na mabibigyan ang dalawang magkasintahan ng Love Tree Certificate sa oras na makapagtanim ang mga ito ng tig-dalawang puno na nakarehistro sa kanilang pangalan.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Hindi bibigyan ng marriage license ang magkasintahang hindi susunod sa naturang ordinansa.

Ang seedlings ay manggagaling sa Municipal Environment and Natural Resources Office at itatanim ito ng magkasintahan sa kanilang mga barangay o designated agro-forestry farm sa San Mariano.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Layunin nitong maibahagi sa bawat isa ang kahalagahan ng pagprotekta sa kapaligiran upang matugunan ang epekto ng climate change.

Sa ngayon ay nasa 167 na magkasintahan na ang napabilang na sa programa kasama ang 33 na nakatakdang ikasal sa ika-15 ng Hunyo taong kasalukuyan.