Heart Evangelista, handa na umanong gumanap bilang bagong presidente ng Senate Spouses Foundation Incorporated

Pormal nang nanumpa ngayong araw ang bagong hanay ng mga opisyales ng Senate Spouses Foundation Incorporated (SSFI).

Kung saan pinangunahan ni Senate President Chiz Escudero ang oath-taking ng mga SFSI officials kabilang na ang kanyang partner na si Love Marie Ongpauco Escudero o Heart Evangelista na siyang bagong presidente nito.

Read More:  ICC Prosecutors submit 6,909 evidence pieces against former President Duterte

Sa naging acceptance speech ni Heart, sinabi niyang handa na siyang makipagtulungan sa mga kasamahan niya sa SSFI upang maipagpatuloy ang mga naunang proyektong isinagawa sa ilalim nito.

Maliban pa roon, sa naging ambush interview, tiniyak niya na bagamat kinakabahan siya ay handa siyang gampanan ang kanyang posisyon at sa katotohan pa umano ay marami na siyang napuntahan na meeting kaya maalam na siya sa mga naumpisahang proyekto noong 1987.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Kaugnay nito, dadagdagan lang umano niya ng ‘modern approach’ ang mga proyektong ito upang maging sustainable.