Pagtatala ng Zero COVID-case sa Camarines Sur malaking ginhawa sa trabaho

NAGA CITY- Patuloy ang pagbulusok ng COVID-19 cases sa lalawigan ng Camarines Sur, may mga araw na walang naitatala o ZERO COVID case tulad na lamang noong Biyernes Marso 11, 2022.

Naibaba na sa 32 ang aktibong kaso ng naturang sakit bago ang weekends sa total case na 16, 936.  628 ang nasawi at 16, 276 na ang nakarekober. 

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Ang sitwasyong ito ay malaking ginhawa sa hanapbuhay, malaking bagay para sa mga empleyado o nagtatrabaho. Isa sa mga ito si Popoy De Gasto, nagtatrabaho ngayon sa Milk tea Shop sa Barangay Tambang, Tinambac Camarines Sur.  Ang pagbukas ng mga negosyo at pagtangkilik ng mga costumers sa produkto ay daan upang kumita siya at makatulong sa pangangailangan ng pamilya.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Ang lugar ay sentro  ng komersyo para sa mga taga north coastal bayan ng Lagonoy at mga karatiog barangay sa Tinambac.