Transport at iba pang commodities nakapagtala ng increase sa price index noong Pebrero

CAMARINES NORTE- Naitala ang increase sa price index ng ilang commodities noong Pebrero.

Batay sa special release report ng Philippine Statistics Authority sa Consumer Price Index for All Income Household sa Camarines Norte, naitala ang increase sa price index ng Transport na may 1. 18 % change, pabahay, tubig, kuryente, gas and other fuels sa 0. 63 % change, Recreation and Culture sa 1. 19 % at Restaurant and Accommodation Services sa 0. 56 %.

Naobserbahan din ang increase sa price index sa Health, Personal Care, Miscellaneous Goods and Services, Furnishings Household equipment and Routine Maintenance of the House, Alcoholic Beverages and Tobacco at Food and Non-alcoholic beverages.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Walang naitalang downtrend sa price index ng kahit na anong commodities noong Pebrero.

Habang stable naman sa Education Services, Information and Communication, Clothing and Footwear at Financial Services.

Sa month-on-month comparison naitala sa 0.44 % (114.6 to 115.1) ang consumer price index sa lahat ng items kaya nagkaroon ng bahagyang pagbabago sa presyo ng ilang commodities sa nabanggit na panahon.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Naitala sa lalawigan ang 2.3 % headline inflation noong Pebrero na mas mababa sa 6.5 % sa kaparehong panahon noong 2021 at 2. 4 % noong Enero.

Lalo ring bumaba ang halaga ng piso kumpara sa nakalipas na apat na taon.

Ang halaga ng piso noong 2018 ay 0.87 centavos na lamang noong nakaraang buwan.

Nangangahulugan ito na para makabili ang consumer ng kaparehong dami ng produkto at serbisyo sa halagang P100 noong 2018, mangangailangan na ngayon ng P115. 10.