LEGAZPI CITY – Hindi madali ang pagpapataw ng pagtaas ng sahod sa Bicol Region dahil sa pinag aaralan din ito.
Ayon kay Regional Director Ma. Zenith Angara Campita ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol, karamihan na negosyo sa rehiyon ay maliliit lamang kumpara sa ibang rehiyon ay may mga malalaking facturer.
Dahil dito binabalanse rin ng ahensya ang wage increase sa rehiyon. Paliwanag nito, ang pagdedesisyon nang minimum wage increase ng mga empleyado ay hindi lang ang nasabing tanggapan ang magdedesisyon nito dahil sa mayroong dalawang laborers, dalawang management at tatlong government ang nag-uusap.
Boboto lamang ang DOLE Bicol kung tabla ang kinalabasan ng botohan ng dalawang government. Binigyan diin nito ang pinakamaganda o mainam ay mayroon ng dapat mapagkasunduan sa bagong wage order bago nila ito mapirmahan at hindi na kailangan pang dumaan sa botohan.