Matinding depensa ang ipinamalas ng Golden State Warriors sa huling apat na segundo ng Game 1 para makauna sa NBA western conference semi-finals laban sa Memphis Grizzlies, 117-116.
Nabigo si Ja Morant na maipasok ang huling tira nito sa kabila ang magandang designed play ni Grizzlies coach Taylor Jenkins.

Lamang pa ang Memphis 116-114 bago ang 3-point shot ni Klay Thompson sa 36.6 seconds mark ng laro.
Muling nanguna sa Golden State si Jordan Poole na may 31 points habang 24 points naman ang naiambag ni Stephen Curry.
Samantala, double-double performance naman ang ipinakita ng mga batang Grizzlies na sina Ja Morant matapos kumamada 34 points at 10 assists at Jaren Jackson na may 33 points at 10 rebounds.
Sa East series naman, tinalo ng Milwaukee Bucks ang Boston Celtics sa Game 1, 101-89.