Pagtapyas sa budget ng NTF-ELCAC, napakalaking bagay umano ito sa kampanya kontra insurgency – 5th ID COMMANDER MGEN. MINA

Napakalaking bagay umano sa kampanya laban sa  insurhensiya ang ginawang pagtapyas ng Senado sa pondo para sa Barangay Development Program (BDP) sa ilalim ng National Task Force on Ending Local Communism and Armed Conflict (NTF-ELCAC) 

Sa isinagawang pulong balitaan, inihayag ni Major Gen. Laurence Mina ng 5th Infantry Division Philippine Army na sana ay ikonsidera ng mga Senador na ibalik ang tinanggal na pondo dahil malaking tulong umano ito para matugunan ang mga suliranin sa mga liblib na lugar.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Giit pa niya, ano na lamang umano ang mangyayari sa mga residente na inaasahan na magkakaroon ng development sa kanilang barangay subalit hindi naman maisasakatuparan dahil sa kakulangan ng pondo.

Aminado si MGen. Mina na mahirap linisin ang isang barangay laban sa presensya ng NPA kaya’t kailangang pagtuunan ang kaayusan sa mga liblib na lugar upang hindi na bumalik ang mga makakaliwang grupo na nanggugulo lalo na sa mga katutubo.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Aniya, kaya’t ipinatutupad ang ibat ibang proyekto at programa upang maramdaman nila na may gobyernong nakahandang tumulong sa kanila.

Hiling pa ng opisyal na sana ay mapag-aralang mabuti ito ng mga nasa Senado.

Sa ngayon ay itinaas sa 10.8 billion pesos ang pondong inaprubahan ng Senado bilang 2022 budget ng NTF-ELCAC kung saan mas mababa ito kumpara sa 30.45 billion pesos na nasa original na General Appropriations Bill.