60 na punongkahoy, itinanim ng BJMP Cauayan City sa San Luis Elementary School

Itinanim ng mga personnel ng Bureau of Jail and Management Penology Cauayan City ang nasa 60 na punongkahoy at fruit bearing trees sa San Luis Elementary School.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay CINSP Bonifacio Guittering, ang Jail Warden ng BJMP Cauayan, kabuoang 30 na mahogany, 15 na langka at 15 na puno ng avocado ang itinanim sa 2,400 square meter na area sa nasabing paaralan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Aniya, ang mga itinanim na punongkahoy ay mula sa kanilang sariling nursery na unang inilunsad noong buwan ng Agosto kung saan mayroon nang 300 na seedlings ang na-produce.

Ito ay kinabibilangan ng mga fruit bearing trees na santol, manga, langka at avocado.

Sa ngayon ay naghahanap na umano ang BJMP Cauayan ng public land upang matamnan pa ng punongkahoy.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Hinimok din niya ang publiko na maaarig makipag-ugnayan lamang sa kanilang tanggapan kung nais na matamnan ng puno ang kanilang lupain at ito ay agad nilang tutugunan.

Tiniyak naman ni Jail Warden Guittering na magpapatuloy ang kanilang monitoring sa mga itinanim na punongkahoy upang matiyak na ito ay mabubuhay.