Zero casualties sa paputok, target ng DOH-12

KORONADAL CITY — UMAASA ngayon ang Department of Health o DOH-12 na walang maitalang casualties dahil sa paputok sa nalalapit na selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay Mohammad Zein Kali , Regional Violence and Injury Prevention Program Manager ng DOH-12 na noong nakaraang taon, umaabot sa 19 ang naitalang firecraker-related injuries.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kabilang sa mga paputok na naging dahilan nito ay ang boga, 5-star, kwitis, sparkler, fountain, piccolo, triangle, pla-pla, camara, dragon firecrackers, luces, baby rocket at iba pa.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa ngayon, nagpa-alala na ang DOH-12 sa publiko na maging responsable sa paggamit ng mga paputok at pailaw upang maiwasan ang mga aksidente.