Pagtanggal ng Culvert sa Purok Tangigue sa Brgy. Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat idinaan sa petition letter, mga residente umaasang buksan ulit sa publiko.

Culvert nakaharang sa isang pribadong daanan sa Purok Tangigue, Barangay Tibpuay, Bayan ng Lebak, Sultan Kudarat.

Marami ang umalma sa nakaharang na culvert, na kalahating taon na nakasagabal sa daanan papasok at palabas ng naturang purok.

Ayon sa mga residente rito, malaking problema raw ito lalong-lalo na sa mga drayber dahil masikip and dananan at perwisyo na rin sa mga estudyante ng naturang Barangay na sa halip ay mapadali ang trasportasyon ay nagiging sanhi pa ng mga disgrasya sa lugar.

Ang naturang lupa ay pagmamay-ari ng pamilyang Esumadia.

Aniya hindi raw siya ang naglagay at maging siya ay nagulat sa nakalagay na culvert.

Dagdag pa ng pamilya, “ni kelan ay di nila gawain ang magbigay perwisyo sa ibang tao” at nilinaw ng may-ari ng lupa, kanila ng ibibigay ang lupang dinaraanan para sa lahat lalong-lalo na sa mamamayan ng Brgy. Tibpuan.

Ayon sa panayam ng BNFM-LEBAK kay Hernan Delasan, Kapitan ng Brgy. Tibpuan, ang kanyang tanggapan ay nakikipagtulongan na sa mga naghain ng reklamo at sa may-ari ng lupa hinggil sa pagpapatanggal ng mga culvert.

Samantala, kanila ng tinatrabaho ang mga papeles hinggil sa naturang lupa upang magkaroon ng kapangyarihan ang Barangay para e-operate ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *