NAGA CITY- 7 ang bagong COVID-19 cases sa Camarines Sur batay sa ulat ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office (EDMERO) nitong Biyernes.
Lima sa magkakahiwalay na barangay sa Calabanga habang tig isa sa Canaman at Magarao. Nagdala ito sa 16, 973 cumulative cases mula noong 2020. Ayon sa mga residente baka pakatapos ng tag-init o di kaya ay Election period baka makita nanaman ang maraming kasong naitatala.
Kaya naman ang bagay na ito ay hindi ipinagkikibit balikat ng lokal na pamahalaan ng Pasacao partikular na ng tourism office. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Tourism Officer Gladys Tipanero, binigyang diin na nanatili ang contact tracing sa mga resorts, may log book parin silang ini-rerequire. Inaabisuhan din ang mga turista na huwag makihalo sa ibang mga grupo.
Sinabi pa ni Tipan na noong nagdaang Semana Santa, nakapagrecord sila ng mahigit 200K tourist arrival. Sa pagtansya ng Tourism Office darami pa ang darayo sa kinikilalang “Summer Capital” kaya magaan man ang mga restrictions sa ilalim ng Alert Level 2 sa ilang bayan sa probinsya, nag-iingat pa rin at pinalalakas ang vaccination rollout.