Naiwasan ng Denver Nuggets na ma-sweep ng Golden State Warriors sa first round ng NBA Playoffs.
Tinulungan nina Aaron Gordon (21 points) at Monte Morris (24 points) si Nikola Jokic (37 points) para ma-pwersa ang Game 5 sa pamamagitan ng 126-121 win sa kanilang ika-apat na paghaharap sa serye.
Kontrolado ng Nuggets ang laro sa unang tatlong quarter subalit sa huling mga minuto ay humabol ang Warriors kung saan nakalamang pa ito sa pamamagitan ng tira ni Stephen Curry 121-119 sa 1:21 mark ng laban.

Rumesbak ng counter attack sa opensa at depensa ang Denver at nagpakawala ng 7-0 run sa huling isang minuto ng laro.
Nagtala ng 65 points ang ‘splash brothers’, 33 points dito ang hinakot ni Curry habang 32 puntos naman ang kay Klay Thompson.
Babalik ang home court sa GSW para sa Game 5 na gaganapin sa Huwebes, April 28.