Pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo tila hindi napapansin ng pamahalaan ayon sa isang transport group sa Camarines Sur

NAGA CITY- Tila hindi napapansin ng pamahalaan ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, ito ay ayon sa Libmanan Transport Service Cooperative.

Ayon sa Chairman na si Marino Traballo , ang atensyon ngayon ay nasa lakad politika at batuhan ng isyu sa mga partido.

Wala aniya silang natatanggap na ayuda mula sa pamahalaan o sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng card subsidy noon para sa mga tsuper na apektado ng pandemya.

Dagdag ni Traballo, hirap na rin sila sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin ngayong limitado ang maaaring isakay. Ang pagod aniya nila sa maghapon maswerte na kung may mauuwing P300.00 bawas na ang boundary.

Mahirap din aniya kung tataasan ng P10.00 sana ang pamasaheng P60.00 mula Naga- Libmanan at vice versa dahil aaray din ang mga pasahero. Hindi aniya ito maaari kung kaya sana ay mapansin ng gobyerno ang kanilang hinaing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *