Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Catanduanes, dahil umano sa karagdagang testing kits na ibinibigay ng DOH sa probinsya

BICOL—Inihayag ni Catanduanes Provincial Health Officer III – Dr.Hazel A. Palmes, na ang pagtaas ng mga naitatalang positibong kaso ng COVID-19 sa Catanduanes ay bunsod ng pagdagdag ng alokasyon, ng DOH-Bicol ng COVID testing kits sa islang lalawigan.

Ayon sa opisyal, dumami rin kasi ang mga samples na isinasailalim sa laboratory testing mula sa probinsya kung kaya’t nadadagdagan rin ang mga naitatalang kaso ng sakit kumpara nitong mga nakalipas na linggo na iilang samples lamang ang naipapadala upang masuri sa mainland Bicol.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Samantala, inihayag naman ni Dr. Franchette P. Panti mula rin sa nasabing tanggapan, na wala namang gaanong pagtaas scientifically sa infection rate sa probinsya, kung case morbidity ang pagbabasehan.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Matatandaang nitong nakaraang linggo, ay nagpadala ng liham sa DOH ang ilang mga lokal na opisyal sa isla upang hilingin na dagdagan ang alokasyon ng COVID testing kits sakanilang mga bayan upang mas mapabilis ang pagsasagawa ng contact tracing at COVID 19 response ng bawat LGU.###