Pagsusuri sa mga reclamation projects sa Manila Bay, malapit nang matapos ayon sa DENR

Inihayag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga na ang pagrepaso ng ahensya sa 22 reclamation projects sa Manila Bay ay inaasahang magtatapos sa lalong madaling panahon.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Ayon kay Sec. Loyzaga, may development na ito kaya’t maaring matapos ito nang mas maaga kaysa sa inaasahan.

Gayunpaman, tumanggi si Loyzaga na magbigay ng karagdagang detalye tungkol sa mga proyekto sa reclamation ng Manila Bay na kanilang sinusuri.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Ang pagsusuri ay bahagi ng utos ni Pangulong Marcos noong Mayo na suspindihin ang lahat ng reclamation projects sa Manila Bay sa gitna ng pag-aalala sa epekto nito sa kapaligiran.