CAMARINES SUR-Naglabas din ng paalala ang pamunuan ng 9th Infantry Division Phil Army sa papalapit na Barangay at SK Elections na ang kampanya ay opisyal na magsisimula sa darating na Oktobre 19 at magtatapos sa Oktobre 28.
Ang halalan ay sa Oktobre 30 na siyang pinaghahandaan ng lahat ng pulisya at ng mga sundalo na siyang pangunahing mangangalaga sa katahimikan at kapayapaan.
Kaugnay nito, inihayag ni Army Major Frank Roldan, ang spokesperson ng 9th ID, Phil Army na lalo pa nilang pinaigting ang pagroronda sa mga malalayong barangay ng Camarines Sur at iba pang panig ng rehiyon, para matiyak na ligtas sa anumang kapahamakan ang mga kandidato.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Roldan, sinabi niya na parati lamang na makipag-ugnayan sa kanilang tropa ang mga kandidato lalo na ngayong magsisimula na ang opisyal na campaign period.
Maging ang mga botante ay pinaalalahanan din na sana maging maingat, piliin ng maigi ang mga kandidatong bobotohan.
Anya’y nasa paligid lamang ang mga sundalo para bantayan ang publiko sa halalang ito sabi pa ng opisyal.