Pagsusuot ng face mask, inirerekomenda pa rin ng IPHO

KORONADAL CITY- NASA mga mamamayan na kung magpapatuloy ang mga ito sa pagsusuot ng face mask lalo na kung nasa mga matataong lugar at mga ospital.

Ito ang inihayag ni Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr matapos na tinanggal na ang deklarasyon ng State of Public Health Emergency dahil sa COVID 19 pandemic sa bansa.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Ayon kay Aturdido na ang pag-lift sa naturang deklarasyon ay hindi nangangahulugan na wala ng COVID 19.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Binigyang diin nito na mayroon pa ring virus at may mga na-oospital pa rin ngunit kakaunti na lamang.

Dahil dito, mas mainam pa rin aniya na magsuot ng face mask.