Cholera, sanhi ng pagkamatay ng isang residente sa Rapu-rapu, Albay

LEGAZPI CITY – Kumpirmadong cholera ang sanhi ng pagkamatay ng isang residente sa bayan ng Rapu-rapu, Albay dulot ng pag-inom ng kontaminadong tubig.

Ayon kay PHO Sanitary Office Unit head Engr. William Sabater, nakumpirma ito dahil sa isinagawang rectal swab sa 2 dalawang namatay.

Read More:  5 NPA, underground group members surrender in Eastern Visayas

Sa ipinalabas aniyang resulta ay nakitaan umano ang pasyente ng ‘rice watery stool’, kaya’t nakumpira ang kaso.

Dagdag pa niya, kanila na itong ikokonsulta sa Department of Health (DOH) Bicol na makakapagsabi kung makokonsidera na itong outbreak.

Read More:  Four BIFF Karialan faction members return to government in Maguindanao del Sur

Sa ngayon, ani sabater, isa sa mga sintomas kapag tinamaan ng cholera ay makakaranas ng ‘severe dehydration’ hanggang umabot na ito sa ‘kidney failure’ hanggang sa pagkamatay.