Pagsuporta sa lokal na mga magsasaka, pagtutuunan ng PUP

Gaganapin na ang SIBOL: Revitalizing Agriculture, Cultivating Market Access sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), na siyang magsusulong ng mas matatag na estado ng pagsasaka.

Sa pangunguna ng mga Marketing Executives, layunin ng naturang programa na suportahan ang mga Pilipinong magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa kanilang mahalagang papel sa ekonomiya.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Target din nitong mabigyang-kaalaman ang mga estudyante hinggil sa pagbabago at kasanayan sa agrikultura upang mapakinabangan ito ng mga susunod pang henerasyon.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Hinihikayat ng mga marketing executives ng PUP ang lahat ng nais matuto tungkol sa agricultural marketing na makiisa sa inihanda nilang event na siyang makapagbibigay ng dagdag na impormasyon sa agrikultura, marketing, at sustainability.