NAGA CITY- Pareho lamang sa mga sintomas ng COVID-19 ang mga sintomas ng mayroong FLiRT COVID-19 variants ayon sa Emerging and Re-emerging Infectious Disease (EREID) ng Bicol Medial Center (BMC) kaya parehong pag-iingat ang nararapat upang hindi mag positibo rito.
Sinabi ni EREID Head Dr. Joey Rañola, naging normal na ang COVID, nawawala-bumabalik, dumarami at kumukunti pero mas mainam aniya na kung may ubo at sipon ay magsuot ng facemask upang hindi na makahawa pa sa iba. Nitong Mayo 27, 2024 , 32 ang admitted mild COVID cases sa BMC.
Mababatid na ayon sa Department of Health pina-igting ang pagbabantay sa quarantine ng lahat ng point of entry sa bansa, pero hindi ito dahilan upang maalarma ang publiko, dahil bahagi lamang ito ng pagmamatyag sa pagpasok ng mga variant ng COVID-19 na KP2 at KP3, na kabilang sa FLiRT COVID-19 variants.