Inihayag ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na hindi hininto ang pagbabakuna kontra COVID- `19.
Ayon kay Francisco ang vaccination allocation ay depende sa request ng mga Rural Health Unit kung kailangan nila ng bakuna dahil iniiwasan umano dito na mag- expire ang bakuna sa kanila.
At sa gitna naman ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID- 19 sa bansa at sa pagkakadiskubre ng bagong FLiRT variant, sinabi ni Francisco na ang mga ginawa noong pandemya ang siya pa ring epektibong hakbang para makaiwas sa sakit hindi lang sa COVID kundi maging sai ba pang sakit tulad ng pertsussis.
Ito umano ang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at kung maaari ay iwasan ang mataong lugar.
Marami umano sa hanay ng mga matatanda at bata ang mababa ang vaccination coverage sa COVID- 19.
