Kalinisan, mabisang panglaban sa dengue – Naga City Sanitary Office

NAGA CITY – “Walang mabisang panglaban upang maiwasan ang dengue, kundi ang kalinisan o regular na paglilinis sa kapaligiran.”

Ito ang binigyang diin ni Abel Victor Tindugan, Chief Sanitation Inspector 3, ng Naga City Sanitary Office ngayong na-uuso na naman ang naturang sakit at hindi pa tukoy kung ilan na ang kaso sa lungsod, dala ng mga lamok na may virus at kadalasang sa mga sulok-sulok sa mga paaralan, sa mga bahay-bahay ang pinamumugaran nito. Kaya upang maiwasan ang pangingitlog, tuloy ang mga mitigation, fogging at nakapagbigay na rin ng mga olyset net o net na may chemical laban sa mga lamok sa mga barangay at paaralan, lalo na ang mga barangay na prone sa baha at sa dengue tulad ng Barangay Mabolo, Sabang at iba pa, na mahalaga din na sila ay nakikipagtulungan.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash
Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Kasama din sa mga minomonitor nila, ang mga nagkaroon ng naturang sakit o pamilyang may dengue, para magsagawa din ng paglilinis.

Dagdag pa ng opisyal at paalala nito panatilihin ding malinis sa katawan, kumain ng gulay at prutas lalo na sa mga may dengue na nagpapasakit sa buong katawan ng biktima.