Pagsunod sa mga protocols, pinakamagandang paraan sa paggunita ng Isabela day

Pinakamagandang paraan para ipagdiwang ang Isabela Day o ika-165 na anibersaryo nang pagkakatatag ng lalawigan ngayong araw ay ang pananatili sa tahanan at pagsunod sa mga health protocols upang makatulong sa pagbaba ng mataas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Ito ang inihayag ni Dr. Troy Alexander Miano ang Isabela Tourism Officer sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, dahil sa patuloy parin na kinakaharap na banta ng COVID-19 sa lalawigan at mga bayan ay minabuti na lamang ng Pamahalaang Panlalawigan na hindi magdaos ng mga aktibidad o programa na magdudulot ng mass gatherings lalo pat nakasailalim pa sa General Community Quarantine (GCQ) ang lalawigan.

Read More:  Two minors rescued in Marawi City after employer refuses to return children

Aniya, hindi katulad sa mga nakalipas na mga taon na nagsasagawa ng mga patimpalak sa tuwing dumarating ang founding anniversary ng probinsya na binago dahil sa pandemya.

Gayunman, naghanda naman aniya ang Isabela Museum and Library ng short documentary na naglalaman ng history ng Isabela na ipapalabas sa kanilang facebook page bilang selebrasyon parin sa anibersaryo.

Read More:  Cebu rape suspect found dead in jail; beating angle under probe

Magsasagawa rin ng pa-singing contest na gaganapin sa Isabela amphitheater na ipapalabas online at personal initiative umano ni Provincial Administrator Atty. Noel Lopez.

Kaugnay nito ay hinikayat ni Dr. Miano ang mga Isabelinos na panoorin ang naturang aktibidad habang pinayuhan ang lahat na manatili na lamang sa bahay upang makaiwas sa sakit na COVID-19.