Natagpuang bangkay ng isang lalaki sa Alicia, Isabela;hindi pa rin nakukuha ng kanyang pamilya

Hindi parin matukoy ng Alicia Police Station ang pagkakakilanlan ng natagpuang bangkay ng isang lalaki Brgy. San Fernando, Alicia, Isabela noong umaga ng Linggo, May 9, 2021.

Magugunitang natagpuan ang naturang bangkay ng isang magsasaka na magtutungo sana sa bukid na agad namang ipinag-bigay alam naman sa kapulisan.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

May suot na kulay yelow t-shirt na may marking “GAP classic” at maong pants at tinatayang 5”5 ang taas ng bangkay kung saan lumabas sa imbestigasyon ng SOCO na wala namang foul play sa kaniyang pagkamatay.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Sa pakikipag-ugnayan ng 92.9 Brigada News FM Cauayan PNP Alicia, sa ngayon ay patuloy ang kanilang koordinasyon sa iba pang himpilan ng pulisya para sa turn-over ng bangkay sa pamilya nito.

Nasa isang punerarya parin sa nasabing bayan ang mga labi ng naturang lalaki.