Fees sa ipapatayong crematorium sa Cauayan City, pinagaaralan na ng LGU

Pinag-aaralan na ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan ang mga babayarin sa itatayong Crematorium sa naturang lunsod.

Ito ang kinumpirma ni Cauayan City Councilor Edgardo Atienza Jr, ang Committee on Labor Trade, Industry, Economic Enterprises; Land Use, Urban Development & Housing sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Ayon kay SP member Atienza, binabalangkas na sa unang pagbasa ang pagpapatayo ng Crematorium sa lungsod partikular sa public cemetery na nakahimpil sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Kasabay nito ay pinag-aaralan narin ang mga charges at fees na “makamasa “kaugnay sa serbisyo ng ipapatayong Crematorium.

Aniya, ito ay isang paraan upang maibsan ang kalungkutan ng bawat Cauayenos na nasawi sa COVID 19 kung saan bilang protocol ng Kagawaran ng Kalusugan ay kailangan nang ilibing ito sa loob lamang ng 12 oras.

May ilang din umanong inilalakbay pa sa ibang lugar ang kanilang mga bangkay upang doon ipa-cremate.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa pamamagitan umano ng ipapatayong crematorium ay hindi na mahihirapan pa ang namatayan dahil mismong dito na sa lunsod isasagawa ang cremation.

Kabilang din sa kailang pinag-aaralang isabatas ay ang pagkakaroon ng Columbarium o Burolan ng Bayan maging ang Hearse Vehicle o ang pagkuha sa mga labi.

Inaasahan namang itong maisasabatas sa ngayong buwan o sa mga susunod na buwan bilang pagtalima sa maayos na libing sa mga nasasawi sa COVID 19 sa makamasang presyo.