CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Pamahalaang Panlalawigan ang publiko na mahigpit na sundin ang health safety protocols sa mga magtutungo sa sementeryo
Una ng nagpalabas ng executive order si Camarines Norte Govenor Edgardo Tallado ng pansamantalang pagsasara sa mga pampubliko at pribadong sementeryo sa buong lalawigan mula sa mga petsang October 29 hanggang November 2, 2021
Kung kaya’t inaasahan magtutungo na ang mga tao sa mga sementeryo upang bisitahin ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay simula ngayon at bago o matapos ang mga petsang nabanggit
Kalakip sa naturang guidelines na ang lahat ng mga magtutungo sa sementeryo ay dapat mahigpit na sundin ang pagsusuot ng face mask at face shield at panatilihn ang 1 meter distance o higit pa sa bawat isa
Habang hindi naman pinahihntulutan na magtungo sa mga sementeryo ang mga nasa edad 18 anyos pababa at 65 anyos pataas
Samantala, inaantabayanan naman ng Brigada News FM Daet ang ipapalabas na kanya-kanyang panuntunan ng bawat LGU kung saan matatandaan na nitong nakatalikod na taon ay nagtalaga ang mga ito ng iskedyul at oras para sa magtutungo sa sementeryo

