Pagsugpo ng dengue, pangunahing responsibilidad ng mga household – PHO

Binigyang diin ni Jeanelita Avanica, Sanitation Inspector IV ng Infectious Disease Surveillance Unit ng Provincial Health Office na ang mga household ang pangunahing may responsiblidad upang sugpuin ang dengue.

Ayon dito, ang mga kiti-kiti kasi umano o lamok na Aedes aegypti na nagdadala ng nasabing sakit ay nakatira sa loob ng bahay kung kaya dapat na inisyatiba ng mga household ang pagpuksa rito.

Ito rin ang dahilan kung bakit mahalaga na namomobilize ang mga ito at regular na naglilinis lalo na sa mga lugar sa loob ng bahay na karaniwang tinitirhan ng mga lamok, tulad ng mga plorera, paminggalan at iba pa.

Kaugnay nito, panawagan ng opisyal sa mga household na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran lalo na ang loob ng kanilang mga bahay upang maiwasan na pamahayan ito ng mga dengue carrier mosquitos at tuluyan nang masugpo ang dengue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *